Posible pa bang mahalin kita ngayon? Kung kailan huli na ang lahat?
'Yan ka na naman kase... Puro salita... Puro salita... Wala namang gawa... Kailan mo nga ba naiparamdam sa akin yung mga sinasabi mo? Ako naman si tanga, kahit hindi makaramdam, panay pa rin ang paniwala sa'yo. Panay pa rin ang asa sa'yo na isang araw, maipaparamdam mo rin yang mga sinasabi mo. Pero ilang gabi pa lang ang nakalipas mula nung nagkalakas ka ng loob na kausapin ako pero hanggang dun na naman ba yun? Alam ko, hindi ba ako handa. Hindi pa ako magaling. Ni hindi ko pa nga naiintindihan kung bakit mo ginawa yun sa akin dati. Pero sabi ko, pinatawad na kita nung nag-sorry ka nung isang gabi. Ganon kadali. At ewan, sa isang iglap, lalong lumakas yung pinakatatago kong nararamdaman para sa'yo noon. Na oo, pagkakamali ko lang, mas pinili ko siya kahit na alam kong ikaw yung tunay na nagmamahal sa akin (dahil sabi mo). Tanga ko lang, ang tanga mo rin lang. Ang hina mo rin kase. Hindi ka ganon kalakas. Sana yung mga huling sinabi mo magkatotoo. Sana dumating yung araw na yun. Dahil hindi ko alam kung anuman yung nararamdaman ko ngayon - pangungulila sa'yo? O kalungkutan ng pag-iisa ko? O hindi ko lang maamin na mahal kita kahit pano. Na kailangan kita. Kaso hindi ko alam kung babalik pa yung taong itinataboy ko noon. Pero hindi ko rin masabi kase natatakot ako ngayon na kung kailan ako naman yung nasa sitwasyon na to, ikaw naman yung tuluyan nang nagbago. Sana kahit paano maisip mo yun...
-----
miss na kita boss... :(
No comments:
Post a Comment