Sabi nila...

Sabi nila, mahirap ang lumimot... Ang makalimot... Pero hindi ba mas mahirap ang maka-alala? Yung tipong ginagawa mo ang lahat para makalimutan siya at lahat ng nangyari sa inyo, masaya man ito o masakit... Ikinakatakot mo ang pagsapit ng gabi o ang pag-iisa dahil ayaw mong magkaroon ng kahit na anong pagkakataong maalala mo siya... At tulad ng inaasahan, matatagpuan mo na lang ang sarili mo sa ganon pa ring sitwasyon - buwan, taon man ang lumipas... Parang kahapon lang yung sakit...


Sabi nila, ang pagmamahal hindi natatapos... Hindi nawawala... Dalawa lang yan... Maaaring nagmahal ka nang tunay o hindi - dun lang natatapos yun. At nakakatakot isipin na hanggang ngayon, nagmamahal ka pa rin nang tunay... Nang wagas - hanggang kailan nga ba ang wagas?


Sabi nila, lahat may kapalit... May katapusan ang lahat ng paghihirap o kaligayahan... Sa bawat pag-ikot ng mundo, isang tao ang masasaktan, habang isang tao naman ang makakatagpo ng tunay na pag-ibig... Saang parte ba ko ng mundo at hanggang ngayon hindi pa rin ako napapasama sa pag-ikot nito?


-----


Haharapin ko ang gabi hanggang alam kong may umagang naghihintay sa akin... 
‎"Don't force something that you should have given up from the start. It's like walking in a smaller shoe size just because there's no available size left for you. It maybe what you wanted; it may look good on you. But who's the fool and in pain at the end? Learn to wait until the right one comes that fits perfectly..."